Sumampa sa 11.5% ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa independent monitoring group na OCTA Research bunsod nito ay posibleng umakyat sa isang libo ang mga bagong kaso ngayong araw.
Mababatid na ang positivity rate sa NCR ay tumaas sa mula sa 10.9% noong Hulyo 9 at malaki ang itinaas nito.
Sinabi naman ni OCTA Fellow Dr. Guido david na bagamat bumaba ang reproduction number ng NCR sa 1.36 ay tumaas naman sa 30.2% ang hospitalization rate ng rehiyon.
Una nang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng tumaas ang hospital utilization rate sa pagtatapos ng agosto o pagpasok ng setyembre dahil sa COVID-19 infections.