Umakyat sa 15.6% ang weekly COVID-19 positivity rate sa National Capital Region.
Kumpara ito sa 13.3% noong September 10 at 14.5% noong September 14.
Ayon kay OCTA research fellow, Dr. Guido David, nag-peak na ang cases noong August 7 pero bumaba sa karamihan ng mga lalawigan, gaya ng Cebu at Davao.
Gayunman, nilinaw ni David na sa ilang lugar lamang sa Metro Manila tumaas ang positivity rate kasabay nang pagsisimula ng face-to-face classes.
Bukod sa NCR, tumaas din ang positivity rate sa mga karatig lalawigan ng Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.
Isa anya marahil sa dahilan nang pagtaas nito ang pagdami ng mga taong lumalabas at pagiging kampante ng publiko.
Ang positivity rate ay bilang ng mga taong nag-positibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na sumailalim sa test.