Tumaas pa sa 14.6% ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, mula ito sa 14% na naitala noong July 15.
Aniya, hindi pa malinaw kung ano ang nagpapabago sa trend gayundin kung maabot na ng Metro Manila ang peak ng COVID-19.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng mga indibidwal na nagpopositibo sa naturang virus mula sa kabuuang bilang ng mga sumailalim sa testing.
Base sa pagtataya ni David, posibleng umabot sa 1,110 ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon ngayong araw.
Samantla, hinikayat ni David ang publiko na magpaturok ng booster shot bilang karagdagang proteksyon.