Mababa pa rin sa 1.1% ang COVID-19 positivity rate sa Pilipinas o bilang nang nahahawa sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA research team, hindi tumataas sa 200 ang naitatalang bagong kaso kada araw.
Nananatili sa Low risk classification ang bansa na may Reproduction number na 0. 6.
Sa ngayon, kahit na mayroong naitalang Omicron sub-variant na BA.2.12.1 sa bansa, hindi pa naman anya ito dapat ikabahala.
Patuloy kasi ang kanilang pagbabantay lalo na sa Palawan at Metro Manila na nakapagtala ng nasabing subvariant.