Nakapagtala ng pagtaas sa COVID-19 positivity rate ang anim na lugar sa Luzon.
Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, sumirit ang positivity rates ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Pangasinan, at Rizal mula September 10 hanggang 17.
Batay pa sa datos, bumulusok ang positivity rates ng iba pang mga probinsya sa Luzon.
Nangunguna sa may pinakamataas na positivity rate ang Tarlac na may 33.2% habang pinakamababa naman ang Zambales na may 4.4% na tanging lugar na ikinukonsiderang nasa ”low” category.