Bumaba pa sa 7.4% ang naitalang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.
Mula ito sa 7.8% na naitala noong Nobyembre 8, kung saan sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, na indikasyon ito na posibleng nagpa-plateau na ang mga kaso ng sakit sa NCR.
Gayunman, sinabi ni David na may posibilidad na manatiling mataas sa 5% ang positivity rate at posible ring magkaroon ng uptick ng mga kaso na maaaring mangyari sa mga susunod na araw.
Samantala, tumaas ang reproduction number sa NCR sa 1.03 nitong November 13, mula sa 0.83 noong November 6.
Nadagdagan din ang weekly growth rate na naitala sa rehiyon sa 11% mula sa -18% dahil sa pagtaas ng mga bagong kaso.