Tiniyak ng COMELEC na nakalatag na ang mga COVID-19 protocol upang maiwasan ang hawaan sa May 9 elections.
Ayon kay COMELEC Employees Union President Atty. Leylann Manuel, nakahanda na sila mula pa noong nagsimula ang kampanya hanggang sa canvassing ng mga balota at pagdedeklara ng mananalo.
Nabatid na sa mismong araw ng eleksyon, 20 tao lamang aniya ang papayagang makapasok sa mga polling center kung saan mayroong itatalagang exit at entry point.
Dagdag pa rito ay magtatalaga rin ng mga marshal na siyang sasaway sa mga botante lumalabag sa minimum public health standars habang maglalagay naman ng isolated polling place para sa mga botanteng makikitaan ng sintomas ng COVID-19.