Itinuturing na ‘public enemy number one’ ng World Health Organization (WHO) ang coronavirus outbreak.
Ayon sa WHO, malaking banta sa kalusugan ng mga tao sa buong mundo ang naturang virus na pinangalan nilang 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ang naturang virus aniya ay higit na makapangyarihan para makabuo ng kaguluhan sa usaping pulitikal, economic at social ng higit pa sa anumang terrorist attack.
Dahil dito, hinimok ng WHO ang mga bansa, partikular ang halos 30 bansang apektado ng nasabing virus, na paigtingin pa ang mga paraan para madetect at kaagad ma-contain ang naturang sakit.
Partikular na pinakikilos ng WHO ang mga bansang mayroong mahinang health systems dahil tiyak na magdudulot ng malaking salot ang virus kapag hindi napigilan.