Mataas ang tiyansa na alisin na ng World Health Organization ang public health emergency status sa Covid-19.
Ito’y ayon kay Dr. Rontenge Solante, isang infectious diseases expert kung saan sinabi nito na mas kumpyansa na ang mga medical facilities at health workers sa pag-manage ng mga pasyenteng may Covid-19 kumpara sa nakalipas na tatlong taon.
Sakaling alisin na ang public health emergency, sinabi ng eksperto na mahalaga pa rin ang opsyonal na pagsusuot ng face masks, pagkakaroon ng antiviral agents at pagbabakuna.
Iginiit pa ni Solante na nakatulong ang mga nasabing hakbang upang mapababa ang bilang ng mga tinatamaan ng severe disease at nasasawi sa nasabing sakit sa bansa.
Samantala, nakatakdang magpulong ngayong araw ang WHO Emergency Committee upang desisyunan kung nananatiling global health emergency o hindi ang Covid-19.