Sumirit na sa 310,158 ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 14,941 na bagong recovered cases.
Sa pinakahuling case bulletin, nagkaroon naman ng 2,379 na bagong kaso dahilan upang pumalo na sa 356,618 ang total cases.
Ngunit sa bilang na ito, ayon sa DOH, nasa 39,808 na lamang ang mga aktibong kaso o hindi pa gumagaling sa sakit.
Samantala, 50 pang pasyente ang pumanaw dahilan upang umakyat sa 6,652 ang death toll sa buong bansa.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,379 ngayong Linggo, Oktubre 18.
Pumalo na sa kabuuang 356,618 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 39,808 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/3k3QN5VE3D
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 18, 2020