Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 90.1% recovery rate mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa case bulletin ng DOH, pumalo na sa 375,548 ang total recoveries sa bansa kasunod ng paggaling ng 328 na pasyente.
Umakyat naman sa 416,852 ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus makaraang tamaang ng sakit ang 1,791 na mga Pinoy.
Sa bilang na ito, nasa 33,224 na lamang ang mga aktibong kaso.
Naitala sa Tarlac ang pinakamaraming bagong kaso na nasa 211 na sinundan ng Davao City na 115 cases; Laguna na may 73 cases, Cavite na may 69 cases, at Negros Occidental na may 65 new cases.
Samantala, dahil naman sa pagpanaw ng 55 pang pasyente, sumirit na sa 8,080 ang death toll sa ating bansa.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,791 ngayong Sabado, Nobyembre 21.
Pumalo na sa kabuuang 416,852 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 33,224 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zrLDW pic.twitter.com/7aJfTyCimX
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 21, 2020