Ilang araw bago magpalit ang taon, nadagdagan pa ng 7,635 ang bilang ng mga gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Dahil dito, ayon sa Department of Health (DOH), sumirit na sa 438,678 ang total recoveries.
Nagkaroon naman ng 883 na bagong kaso dahilan upang umakyat sa 469,886 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa kung saan nasa 22,099 ang active cases.
Sa nabanggit na bilang, naitala ang pinakamaraming kaso sa Rizal na 66 na sinundan ng Quezon City (50), Benguet (47), Davao City (42), at Maynila (35).
Samantala, 42 pang pasyente ang pumanaw kaya’t pumalo na sa
9,109 ang death toll sa buong bansa.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 883 ngayong Linggo, Disyembre 27.
Pumalo na sa kabuuang 469,886 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 22,099 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/Yks3nB7AUX
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 27, 2020