Sumirit na sa 475,612 ang bilang ng gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 7, 729 na nakarekober sa virus.
Sa huling case bulletin ng DOH pumalo na sa kabuuang 513,619 ang kaso ng coronavirus sa Pilpinas, matapos nakapagtala ng 1,949 bagong nahawaan ng sakit.
Batay sa datos nailabas ngayong araw, Enero 24 nasa 27,765 naman ang mga aktibong kaso.
Samantala, sumampa sa 10,242 na ang death toll sa bansa matapos madagdagan ng 53 ang nasawi sa virus. —sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,949 ngayong Linggo, Enero 24.
Pumalo na sa kabuuang 513,619 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 27,765 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/oZ6kOv4K8J
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 24, 2021