Sumampa na sa 328,036 ang bilang ng mga nakarekober sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 14,944 na bagong recoveries.
Umakyat naman sa 370,028 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso nang makapagtala ng 2,223 na bagong impeksiyon ang DOH.
Nakapagtala ang Quezon City ng pinakamaraming kaso na nasa 112 na sinundan naman ng Laguna na may 111 na bagong kaso.
Batay naman sa datos ng DOH, sumirit na sa 6,977 ang death toll kasunod ng pagpanaw ng 43 na pasyente.
Sa nabanggit na bilang, nasa 35,015 ang active cases o kasalukuyan pang nagpapagaling.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,223 ngayong Linggo, Oktubre 25.
Pumalo na sa kabuuang 370,028 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 35,015 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/AVyrGcKTRG
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 25, 2020