Sumampa na sa 398,624 ang bilang ng mga gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10,579 na bagong recoveries.
Sinasabing ito’y katumbas ng 92.7 %r ecovery rate ng mga Pinoy sa laban kontra coronavirus.
Dahil naman sa 2,076 na bagong kumpirmadong kaso, sumirit na sa 429,864 ang total COVID-19 cases sa buong bansa.
Pinakamarami naman ang naitalang bagong kaso sa Quezon City na 137 na sinundan ng Laguna na 122, Cavite 103, Batangas 96, at Angeles City 79.
Samantala, pumalo na sa 8,373 ang death toll sa bansa kasunod ng pagpanaw ng 40 pang pasyente.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,076 ngayong Linggo, Nobyembre 29.
Pumalo na sa kabuuang 429,864 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 22,867 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/KtIRCjKonp
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 29, 2020