Nadagdagan pa ng 539 ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 sa Pilipinas dahilan upang umakyat na sa 295,312 ang total recoveries sa ating bansa.
Batay sa pinakahuling case bulletin ng Department of Health (DOH), pumalo na sa 354,338 ang kabuuang bilang ng coronavirus cases sa bansa bunsod ng 2,673 na bagong naitalang impeksiyon.
Sinasabing sa bilang na ito ay 52,423 na lamang ang aktibong kaso.
Samantala, sumampa na sa 6,603 ang death toll matapos ang pagpanbaw ng 73 pang pasyente.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,673 ngayong Sabado, Oktubre 17.
Pumalo na sa kabuuang 354,338 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 52,423 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/Ui0dKQUQbG
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 17, 2020