Mahigit 400 pang pasyente ang gumaling mula sa coronavirus disease (COVID-19).
Ayon sa Department of Health (DOH), dahil dito’y pumalo na sa 388,062 ang total recoveries o katumbas ng 90.7%.
Nakapagtala naman ang DOH ng 1,893 na bagong kaso dahilan upang umakyat na sa 427,797 ang mga kumpirmadong kaso sa bansa.
Sa nabanggit na bilang, nasa 31,402 ang active cases.
Sinasabing naitala ang pinakamaraming kaso sa Davao City na 200 na bagong kaso na sinundan ng Negros Occidental na 123, Western Samar na 84, Pampanga na 60 at Quezon City na 57.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,893 ngayong Sabado, Nobyembre 28.
Pumalo na sa kabuuang 427,797 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 31,402 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/8TrjVJEKir
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 28, 2020