Pumalo na sa 458,198 ang bilang ng gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 8,592 na nakarekober sa virus.
Sa huling case bulletin ng DOH umakyat na sa kabuuang 487,690 ang kaso ng coronavirus sa Pilpinas, matapos nakapagtala ng 1,906 bagong nahawaan ng sakit.
Batay sa datos nailabas ngayong araw, Enero 10 nasa 20,087 naman ang mga aktibong kaso.
Samantala, sumampa sa 9,405 na ang death toll sa bansa matapos madagdagan ng madagdagan ng walo ang nasawi sa virus. —sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,906 ngayong Linggo, Enero 10.
Pumalo na sa kabuuang 487,690 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 20,087 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/ASq7d6YSY7
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 10, 2021