Umakyat na sa 465,991 ang bilang ng gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 5,868 na nakarekober sa virus.
Sa huling case bulletin ng DOH pumalo na sa kabuuang 500,577 ang kaso ng coronavirus sa Pilpinas, matapos nakapagtala ng 1,895 bagong nahawaan ng sakit.
Batay sa datos nailabas ngayong araw, Enero 17 nasa 24, 691 naman ang mga aktibong kaso.
Samantala, sumampa sa 9,895 na ang death toll sa bansa matapos madagdagan ng 11 ang nasawi sa virus. —sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,895 ngayong Linggo, Enero 17.
Pumalo na sa kabuuang 500,577 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 24,691 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/vSROLKg6n3
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 17, 2021