Sumirit na sa 703,404 ang bilang ng gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 55,204 na nakarekober sa virus.
Sa huling case bulletin ng DOH pumalo na sa kabuuang 864,868 ang kaso ng coronavirus sa Pilpinas, matapos nakapagtala ng 11,68 bagong nahawaan ng sakit.
Batay sa datos nailabas ngayong araw, Abril 11 nasa 146,519 naman ang mga aktibong kaso.
Samantala, sumampa sa 14,945 na ang death toll sa bansa matapos madagdagan ng 201 ang nasawi sa virus. —sa panulat ni John Jude Alabado
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 11,681 ngayong Linggo, Abril 11.
Pumalo na sa kabuuang 864,868 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 146,519 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/sjnMN4WqgY
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 11, 2021