Sumampa na sa mahigit 10,000 ang bilang ng mga gumaling mula sa sakit na dulot ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y batay sa datos ng PNP health service ay makaraang makapagtala ng 16 na bagong gumaling sa sakit kaya’t sumampa na sa 10,091 ang total recoveries nito.
Gayunman, nakapagtala ang PNP ng 23 bagong kaso ng mga tinamaan ng virus kaya’t umakyat na sa 10,609 ang kabuuang kaso nito.
Tig-lima ang naitalang bagong kaso ng virus sa national administrative at operations support units, tig dalawa naman ang naitala sa Northern Mindanao at Bangsamoro Autnomous Region.
Habang tig-isa ang naitala sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Eastern, Central at Western Visayas, Zamboanga Peninsula at Davao.
Mula sa kabuuang bilang ng mga miyembro ng PNP na tinamaan ng virus, 488 rito ang aktibo o kasalukuyang nagpapagaling pa habang 30 naman ang bilang ng mga nasawi.