Inilatag ni Vice President at presidential aspirant Leni Robredo ang COVID-19 recovery plan para sa bansa.
Nakatuon aniya ang “kalayaan sa COVID plan” sa pagpapalakas ng health care system, tulong pinansyal para sa mga Pilipino, at muling pagbubukas ng mga paaralan.
Ayon kay Robredo, kinonsulta niya ang mga eksperto at ilang mga sektor hinggil sa kanyang recovery plan.
Binigyang diin pa ng Bise Presidente na maipatutupad ang naturang mga hakbang gamit ang sapat na resources at makinarya ng gobyerno.
Sinabi pa ni Robredo na kailangan ang klaro, malawakan, strategic at mapagpalayang tugon sa COVID-19 upang tuluyan nang makalaya ang bansa mula dito. —sa panulat ni Hya Ludivico