Tumaas ng 88.9% ang recovery rate ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 252 na bagong recovered cases dahilan upang umakyat sa 350,216 ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa sakit.
Sumampa naman sa 393,961 ang mga kaso ng COVID-19 matapos maitala ng DOH ang 2,157 na bagong impeksiyon.
Mas marami pa rin sa Quezon City na 115, na sinundan ng Davao City na 107, Rizal province na 105, Bulacan na 102, at Cavite na mayroong 82 na bagong coronavirus cases.
Samantala, sumirit na sa 7,485 ang death toll kasunod ng pagpanaw ng 24 pang pasyente.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,157 ngayong Sabado, Nobyembre 7.
Pumalo na sa kabuuang 393,961 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 36,260 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/pv2z5A35km
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 7, 2020