Iniulat ng Department of Health (DOH) na tumaas ang COVID-19 reproduction number ng Metro Manila.
Batay sa datos ng ahensya, nitong Mayo 23 ay tumaas sa 1.25 ang reproduction rate ng rehiyon, mula sa naitalang 1.05 mula Mayo 13 hanggang 19.
Gayunman, sinabi ng doh na ang bahagyang pagtaas ng COVID-19 cases sa NCR ay hindi pa nakakaalarma.
Ayon sa ahensya, nananatiling mabagal ang virus transmission at hindi pa nakakaapekto sa kapasidad ng mga ospital ang naobserbahang pagtaas ng infections.