Bumulusok pa sa 0.52 ang COVID-19 reproduction number sa bansa o katumbas ng 7-day average na 5,451.
Kumpara ito sa 0.68 reproduction rate o 7-day average 9,648 cases hanggang noong Oktubre 13.
Ayon kay Dr. Guido David, ng OCTA Research Group, isa itong indikasyon na patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga nagkakasakit.
Inihayag naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bumaba rin sa 39% ang kasalukuyang COVID-19 bed utilization rate sa Metro Manila habang 48% ang Intensive Care Unit Occupancy.
Dahil anya rito ay malaki ang posibilidad na ibaba na sa alert level 2 ang quarantine status sa Metro Manila at kung na mababawasan ang mga isinusugod sa mga ospital. —sa panulat ni Drew Nacino