Iniulat ng OCTA research group na bahagyang tumaas ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila, ngunit bumaba naman ang one-week growth rate nito.
Ayon kay OCTA research fellow Guido David, mula sa naitalang 0.79 na reproduction number nitong linggo, tumaas ito sa 0.83.
Gayunman, mababa pa rin sa 1 ang reproduction number na nagpapakita ng downward trend ng mga kaso.
Bumulusok naman sa negative 4% ang one-week growth rate mula sa 7% na naitala noong linggo.
Bahagya rin aniyang tumaas sa 22% ang Healthcare Utilization Rate sa NCR.
Nitong May 2 nang makapagtala ng 75 na bagong kaso ang rehiyon kung saan pinakamaraming naitala sa Caloocan City na may 12 kaso, at sinundan naman ng Maynila na may 11 kaso.