Inihayag ng OCTA-Research Group na bahagyang tumaas ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR) sa kabila ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 cases sa rehiyon.
Ayon kay OCTA Research Fellow Professor Dr. Guido David, umakyat sa 0.48 ang reproduction number sa Metro Manila kumpara sa 0.45 na reproduction number noong Sabado.
Sinabi ni David na sa kabila nang bahagyang pagtaas ng reproduction number, ay bumaba ang seven-day average ng naitatalang kaso kung saan, nasa 945 na lamang ito mula sa dating 946 noong Oktubre 22.
Sa ngayon, patuloy paring hinihikayat ng OCTA Research Team ang publiko na panatilihin ang pagsunod sa ipinaiiral na minimum public health standards ng pamahalaan upang maiwasan ang muling pagdami o pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero