Naitala ang pagbaba sa reproduction number ng COVID-19 sa gitna ng pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine status sa NCR maging sa karatig lalawigan nito.
Sa inilabas na datos ng OCTA research team, nasa 0. 93 na lamang ang reproduction number ng COVID-19 nitong ika-apat na linggo ng buwan o sa pagitan ng mga araw na April 18 hanggang 24.
Bukod pa rito, ayon sa datos ng naturang research team ay lumabas na ang isang linggong growth rate ng bagong kaso ng COVID-19 ay umabot sa -20%.
Kasunod nito, paliwanag ng OCTA research team na ang naturang datos ay malinaw na pagbaba o downward trajectory para sa mga bagong kaso ng virus sa National Capital Region (NCR).