Bumaba ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR).
Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng indibidwal na nahawaan ng isang kaso ng COVID-19.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, sumadsad ito sa 0.99 noong August 23 mula sa 1.02 noong August 18.
Ang reproduction number na mas mababa sa isa ay indikasyon na ang hawaan ng naturang virus ay bumababa na.
Nasa 13.6% naman ang positivity rate noong August 25 mula sa 14.7% noong August 18.
Habang ang Average Daily Attack Rate (ADAR) ay nasa 6.96 sa kada 100,000 population.
Dagdag pa ni David, bumaba rin ang COVID-19 Healthcare Utilization Rate at Intensive Care Unit (ICU) occupancy sa Metro Manila sa 35% at 27% noong August 25 mula sa 37% and 31% noong August 20.