Bumaba pa ang reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) nitong nakalipas na linggo.
Sa pinakahuling datos ng OCTA Research, pumalo na sa 0.67 ang reproduction number sa rehiyon.
Mas mababa ito sa 0.69 na dating antas bago magtapos ang modified enhanced community quarantine (MECQ) noong huling linggo ng Abril.
Mababatid na ang reproduction number ay ang bilang ng mga hawaan ng isang kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Dahil dito, ayon sa OCTA, posibleng makapagtala na muli ang rehiyon ng hindi hihigit sa 1,900 na mga bagong kaso ng COVID-19 pagdating ng Mayo 14.