Dumausdos pa sa .71 ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila, indikasyon na bumagal pa ang hawaan.
Batay ito sa projection ng OCTA Research Group makaraang bumulusok pa sa 17,677 ang additional COVID cases sa bansa kahapon.
Ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Guido David, dahil sa unti-unting pagbagal ng hawaan ay maaaring sumadsad na lamang sa below 500 ang COVID-19 cases pagsapit ng February 14.
Sa kabila nito ay hindi pa rin anya dapat magpaka-kampante ang publiko lalo’t nananatiling mataas o nasa 247K ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.