Hindi na nahuhuli ang Pilipinas sa international ranking kaugnay sa katatagan at kagalingan ng ilang bansa na harapin ang pandemya.
Ayon sa Bloomberg, nasa ikalimampung pwesto na mula sa 53 bansa sa monthly COVID-19 resiliency ranking ang bansa habang pumalit sa pwesto nito ang Vietnam.
Matatandaang tatlong sunod-sunod na kulelat ang Pilipinas sa naturang ranking sa loob ng tatlong buwan batay sa indicators ng Bloomberg kabilang ang vaccination coverage, virus containment, severity of lockdowns, quality of health care, progress towards restarting travel, at overall mortality. —sa panulat ni Airiam Sancho