Pinaalalahanan ni Senador Raffy Tulfo ang Department of Health (DOH) na ibigay ang pangakong COVID-19 response benefits at allowances ng mga health workers bago mag-pasko.
Ayon kay Tulfo, dapat ipamahagi na ang pera bago mag-pasko dahil pinaghirapan at itinaya ng mga health workers ang kanilang buhay para lang labanan ang virus.
Tiniyak naman ni DOH-OIC Maria Rosario Vegeire na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Budget and Management upang ilabas ang dagdag-pondo para sa COVID-19 benefits at allowances.
Samantala, nangako naman si tulfo na tutulong siya upang matiyak na makakamit ng mga health workers ang benepisyong para sa kanila. —sa panulat ni Jenn Patrolla