Mas epektibo umano ang mga lokal na pamahalaan pagdating sa COVID-19 response kaya’t dapat na lamang buwagin ang Inter-Agency Task Force o IATF.
Ito, ayon kay Senator Joel Villanueva,ang kanyang radikal na ideya upang labanan ang nakahahawang sakit.
Sa budget hearing ng DTI sa Senado, inihayag ni Villanueva na mas kabisado ng mga LGU ang sitwasyon sa kani-kanilang lugar.
Ito, rin anya, ang dahilan kaya’t mas alam ng mga LGU ang angkop na hakbang upang ma-kontrol ang hawahan ng COVID-19 at paano matutulungan ang mga apektadong lugar at pamilya.
Gayunman, nilinaw ni Villanueva na ang kanyang panukala ay dapat magsilbi lamang “option” at upang mapalakas ang loob ng mga LGU dahil mas epektibo ang kanilang pagtugon sa pandemya kaysa sa IATF.—sa panulat ni Drew Nacino mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)