Inihayag ni Cebu City mayor Michael Rama na tinanggal na nila ang lahat ng COVID-19 restriction sa mga lokal na establisimyento.
Ginawa ni rama ang anunsyo ukol sa aksyong tinawag niyang “oplan kagawasan o oplan freedom kasabay ng pagdiriwang ng ika-85 charter day ng lungsod.
Sa naturang hakbang, maaari nang buksan ng mga establisimyento sa lungod ang lahat ng aktibidad na sa sakop ng mga lugar.
Maliban dito, tinatanggal na rin ang patakarang “No vaccine, No entry” sa siyudad.
Sinuspinde na rin ang ipinatutupad na curfew hours maliban na lamang sa mga menor-de-edad.
Sa kabila ng pagluwag sa mga restriksyon, pinaalala pa rin ni Rama sa mga residente na patuloy pa rin sumunod sa mga minimum health protocols tulad ng pagsuot ng face mask at social distancing.