Aalisin na ng Japan ang COVID-19 restrictions sa mga dayuhang turista simula sa buwan ng Oktubre.
Ayon kay Japanese Prime Minster Fumio Kishida, na sa mahigit dalawang taon ay naantala ang galaw ng mga tao at produkto.
Batay sa kaniyang mensahe sa United Nation General Assembly sinabi ni Kishida na magsisimula ang kanilang pagluluwag sa Oktubre 11.
Kasama ng Japan ang China na nagpatupad ng mahigpit na travel restrictions sa mga dayuhan sa gitna pa rin ng pandemya na nararanasan sa buong mundo.