Masyado pang maaga para sabihin na bumababa na ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasunod ng naging pahayag ni OCTA research fellow Dr. Guido David na bumabagal na ang hawaan ng virus sa Metro Manila.
Ayon kay Vergeire, hindi tinitignan ng ahensiya ang arawang datos dahil nakadepende ito sa ilang bagay tulad ng ipinapasang datos ng mga laboratoryo.
Habang malaki pa rin ang epekto ng Omicron variant sa Pilipinas kaya hindi pa puwedeng sabihin na bumababa na ang kaso.
Sa ngayon, payo ni Vergeire sa publiko na patuloy na mag-ingat upang mapigilan ang pagtaas ng hawaan.—sa panulat ni Abby Malanday