Kontrolado na ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansang France.
Ayon ito sa Scientific Advisory Council ng French Government matapos unti-unti nang alisin ang lockdown na ipinatupad simula nuong Marso.
Sinabi ng France na bumagal ang paglaganap ng COVID-19 bagamat nananatili pa rin ito partikular sa ilang rehiyon.
Bumaba na rin ang bilang ng mga naitatalang nasawi sa France dahil sa nasabing sakit.
Huwebes, Hunyo 4 nang nakapagtala lamang ang health ministry ng apat na nasawi dahil sa COVID-19.
Ang France ay mayruong kabuuang mahigit 152,000 kaso ng COVID-19 kung saan mahigit 29,000 rito ay pumanaw.