Nakapagtala ng matinding pagtaas ng COVID-19 sa ilang probinsiya sa mga nakalipas na linggo.
Umabot sa 13,263 ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Cavite habang 10,859 naman ang aktibong kaso sa probinsiya ng Rizal.
Nakapagtala naman ng 9,766 active cases sa Bulacan kung saan mula sa 190 panibagong kaso umabot ito sa 2,065 cases nitong Enero 10.
Sa bataan naman, nakapagtala ito ng 276 na bagong kaso na umakyat sa 30,933 ang kabuuang kaso sa lalawigan.
Samantala, 28 lugar pa ang inilagay ng Inter Agency Task Force (IATF) sa ilalim ng alert level 3 dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa.