Mas bumilis pa ang hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon sa OCTA Research, umakyat na kasi sa 0.90 ang reproduction number sa National Capital Region mula noong Mayo 13 hanggang 19.
Mas mataas ito kumpara sa 0.76 na naitala noong Mayo 6 hanggang 12.
Maliban dito, umakyat din ang seven-day average ng mga bagong kaso sa 19% o katumbas ng 71 na kaso ang naitala ng OCTA ngayong linggo na mas mataas din kumpara sa naitalang 59 na kaso noong nakaraang linggo.
Pero paglilinaw ng grupo, nananatili pa ring nasa ‘low risk category’ pagdating sa COVID-19 ang NCR.
Paliwanag ng OCTA, hindi kasi nagbago o nakitaan ng pagtaas ang iba pang indicators gaya ng average daily attack, positivity rate at health-care utilization rate.