Kontrolado pa rin ng Pilipinas ang situwasyon ng COVID-19 sa kabila ng naitatalang pagtaas ng kaso nito sa mga high risk areas.
Ito ang binigyang diin ni treatment czar at health Usec. Leopoldo vega kasunod ng pinaigting na vaccination efforts upang tuluyang malabanan ang COVID-19.
Ayon kay Vega, dapat maipatupad pa rin ang mga minimum health and safety protocols na sinabayan ng massive testing, contact tracing at isolation sa mga tinatamaan ng virus.
Bagama’t may mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19, sinabi ni Vega na madali itong bumababa dahil mabilis naman itong maagapan ng mga lokal na pamahalaan.