Umabot na sa critical stage ang sitwasyon sa South Cotabato dahil sa patuloy na paglobo ng COVID-19 cases sa mga nakalipas na araw.
Kinumpirma ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. na nagsimula nang mapuno ng COVID patients ang mga pampubliko at pribadong ospital sa lalawigan.
Sa ngayon ay mayroon ng 489 active COVID-19 cases sa South Cotabato matapos maitala ang additional 228 cases sa nakalipas na dalawang araw.
Kabilang anya sa mga nagpositibo ang 62 personnel ng South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.
Ang nasabing pagamutan ay mayroong kabuuang 109 COVID patients, kabilang ang animnapung naghihintay sa Emergency room dahil sa kakulangan ng hospital beds.
Tiniyak naman ni Tamayo na ginagawa na nila ang lahat ng paraan upang i-maximize ang resources sa ospital habang pinalawak pa sa 60 beds ang capacity o higit pa upang ma-accommodate ang iba pang pasyente.