Posibleng magkaroon ng pangalawang surge ng COVID-19 sa Pilipinas, sakaling mabigo ang pamahalaan na mabigyan ng booster shot ang mga Pilipino.
Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, karamihan ng mga Pilipino ay nahawa sa Omicron variant, na posibleng dahilan kung bakit hindi pa tumataas ang kaso ngayong magdaraos ang halalan.
Posibleng namang magbago ang tala lalo na kung sasapit ang ikalawang kwarter ng 2022.
Hanggang Marso 24, nasa 11.74 milyong booster dose na ang naiturok sa bansa kung saan 65.52 ang fully vaccinated.—sa panulat ni Abby Malanday