Posibleng hindi magkaroon ng COVID-19 surge sa mga susunod na araw.
Ayon kay University of the Philippines o UP Pandemic Response Team Professor Jomar Rabajante, ito ay dahil open air ang ilang mga naging polling precincts sa bansa sa natapos na botohan noong May 9.
Kung titignan din aniya ay wala masyadong naitalang new COVID-19 cases sa mga naganap na rally.
Samantala, aminado ang Department of Health (DOH) na nalabag ang minimum public health standards sa ilang lugar sa bansa.