Mababa ang panganib na magkaroon ng COVID-19 surge sa Metro Manila.
Ito ang binigyang diin ng OCTA Research Group kasunod ng posibleng pagluluwag ng quarantine restrictions sa bansa.
Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque, III na maaaring ilagay sa pinakamababang alert level ang Pilipinas kung patuloy ang pagbaba ng kaso ng virus.
Ayon kay OCTA Research Fellow Prof. Guido David, bumababa na ang bilang ng kaso ng COVID-19 kung saan nasa apat na raan na lamang kada araw ang naitatala kasunod ng Delta variant surge.
Sinabi ng Health Department na ang pagluluwag ng pamahalaan sa mga restrisyon ay hindi pa rin nababaligtad ang epekto ng Delta surge.
Samantala, nasa ilalim pa rin ang National Capital Region (NCR) sa low risk.