Mas malaki na ang magiging kakayahan ng bansa sa pagdating sa pagsasagawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing.
Ito’y sa inaasahang pagdating ng nasa 120,500 test kits mula sa iba’t ibang bansa.
Ang naturang mga test kit ay makakadagdag sa kasalukuyang 1,300 test kit na mayroon ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Una rito, dumating na sa bansa ang test kit na donasyon mula sa China at South Korea.
Inanunsyo din ang limang sub nation laboratories sa bansa na nagsasagawa ng COVID-19 testing –ito ay sa RITM, Baguio General Hospital and Medical Center, Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu at Southern Philippines Medical Center sa Davao City.
Inaasahang magkakapagproseso na rin COVID-19 testing sa Western Visayas Medical Center at Bicol Public Health Laboratory.