Kinumpirma ng Food and Drug Administration (FDA) na ni-recall nila ang mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) test kits na gawa ng mga eksperto sa University of the Philippines.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, nahirapan ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa paggamit ng locally-produced test kits dahil kailangang laging ulitin ang 30% ng resulta nito.
Batay anya sa paliwanag ng Manila HealthTek, natuklasan nilang kontaminado ang reagent na ginamit nila sa naunang batch kaya’t nagkaproblema ito.
Dahil dito, sinabi ni Domingo na ni-recall na muna ang naturang batch habang inaantay ang panibagong produksyon ng text kits na gagamitan ng bagong reagent.