Hindi na obligadong magpakita ng COVID-19 test result ang mga bakunadong biyahero na papasok o lalabas sa lalawigan ng Marinduque.
Ayon kay Governor Presbitero Velasco Jr., hindi na rin hihingian ng COVID-19 test result ang mga residenteng lalabas ng lalawigan basta’t babalik agad sa loob ng tatlong araw.
Sinabi pa ni Velasco na kailangan ng valid na rason kung bakit pupunta sa lalawigan, Authorized Person Outside Residence (APOR) man o non-APOR.
Maliban dito, daraan rin sa pagsusuri ng Rural Health Unit (RHU) na nasa pantalan ang mga miyembro upang matiyak na walang sintomas ng sakit ang sinumang papasok sa lugar. —sa panulat ni Hya Ludivico