Aalisin na ng UK government ang compulsory COVID-19 tests para sa mga fully vaccinated arrivals at quarantine para sa unvaccinated travelers.
Ayon kay Transport Secretary Grant Shapps, ang pagpapatupad ng “new phase” para sa kanilang pandemic strategy ay sisimulan sa Pebrero a-11 kung saan, aalisin na ang requirements para mapadali ang pagbiyahe ng mga indibidwal.
Dahil dito, ang mga fully vaccinated arrivals ay kailangang sumailalim sa lateral flow test sa loob ng dalawang araw, habang ang mga hindi pa bakunado ay kailangan namang magself-isolate sa loob ng 10 araw, at kailangan pa na sumailalim sa ilang tests bago at matapos ang biyahe.
Samantala, tatanggap nadin ang UK ng vaccine certificates mula sa 16 pang bansa, kabilang na ang China at Mexico. —sa panulat ni Angelica Doctolero