Lampas na sa 50,000 ang kapasidad ng bansa na makapagsagawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests.
Ayon kay BCDA President at National Action Plan Against COVID-19 Deputy Chief Implementer, Vince Dizon, mula sa 2,000 testing capacity noong Marso ay umakyat na ito ng 2,000%.
Dahil na rin anya ito sa pagdami na ng testing laboratories sa bansa na ngayon ay nasa 66 na at patuloy na dinadagdagan.
Pagdating naman aniya sa aktual na testing na isinasagawa halos doble na rin anya ang bilang ng actual testing kaya’t mas marami na ang nakikitang nagpopositibo sa COVID-19.
Sa kabila nito ay lumiliit naman anya ang porsyento ng mga nagpopositibo mula sa mga nabigyan ng COVID-19 test.